Nasa ika-26th taon na, nananatili pa rin ang Milo Marathon na siyang pinakamalaki at mahabang programa para sa karera sa bansa na layuning maibahagi sa mga kabataan na mahasa sa palakasan ka-sabay ng pagtaas ng kalidad ng kanilang pagtakbo bilang malawakang paghahanap ng naturang sports ng isang pina-kamahusay na runners sa bawat rehiyon na lalahok naman sa national finals na nakatakda sa Disyembre.
Aabot sa 6,000 runners na karamihan dito ay mula 3K kiddie run, 5K run at 10K run kasama ang mahigit sa 300 runners sa qualifying full marathon race ang lalahok para sa kasiyahan, mga cash insen-tives at slot sa national finals ang naghihintay sa top finishers ng nasabing event na suportado ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Ford Phils., at Department of Tourism.
Upang makapagbigay ng mas maraming oportunidad para sa long distance runners na makasama sa national finals, lahat ng kalalakihang runners na tatapos sa 42K distance ng 4 oras o mas mababa ang siyang makakakuha ng slots sa final event, habang sa womens division, ang qualifying time ay itinakda sa 4-oras at 30-minutos.
Magsisimula ang full marathon race sa alas-4:30 ng umaga, habang ang mga kalahok sa 3k, 5K at 10K run ay papakawalan naman ng ek-saktong alas-6 ng umaga.
Nakataya sa mens at womens division ng 42K ang P30,000 para sa kampeon, habang ang runners-up ay tatanggap naman ng P20,000 at P10,000, ayon sa pagkakasunod.
Inaabisuhan ni Milo Marathon national organizer Rudy Biscocho ang mga lahok sa 42K na dumating sa finish line ng alas-4 ng umaga, habang ang nalalabi pang mga runners sa iba pang events ay kaila-ngang mag-check-in sa area ng alas-5 ng umaga.