^

PSN Palaro

Mag-ingat sa mga pekeng reporters at photographers sa NCAA at UAAP!

- Nap Gutierrez -
Pinag-iingat ang maraming college basketball players sa NCAA at UAAP.

Napakarami daw ngayong mga nagpapanggap na mga writers kuno ng mga sports magazines. Nagpapanggap sila na sila’y taga-tv o taga-radio o kaya’y taga-diyaryo.

Kunwa’y magi-interview sila ng mga players at mga coaches pero huwag ka, wala naman itong kahihinatnan dahil nga sa wala naman talaga silang sinusulatan.

May iba pa raw na kunwa’y may dala pang props na kamera.

Yung iba, papasok pa raw sa dugout ng mga teams para kumuha ng pictures kuno pero ang tutuo, mamboboso lang pala ng mga players na nagbibihis.

May isang ganyan na nagpapanggap na nahuli ng isang eskuwela. Nung tanungin siya kung sino ang editor niya sa diyaryong sinabi niyang sinusulatan niya, di niya masabi ang pangalan.

Kaya yung mga pari o team manager o coaches ng mga eskuwela, mag-ingat kayo sa mga pekeng reporters at photographers na naglipana sa inyo.
* * *
Bago at mamahalin ang sapatos na suot ngayon ng isang guwapong college player.

Nung tanungin siya ni coach kung kanino galing, sabi ni player eh regalo daw sa kanya ng girlfriend niya.

Naniwala naman si coach.

Ang hindi alam ni coach, ang sinasabing ‘girlfriend’ ni player ay isang bading.
* * *
Isang magaling na basketball player ang nag-quit na sa paglalaro.

Wala man siyang kinikita ngayon, kaya pa rin niyang matikman ang luho niya sa buhay.

Sabi ng mga dati niyang teammates, ayos naman daw ang buhay niya ngayon kahit na hindi na siya naglalaro.

Bakit?

Nakipag-live in na siya sa isang mayamang bading na may hawak ng isang malaking kumpanya sa Makati.
* * *
Sigurado na ang Welcoat sa kanilang pagbabalik sa PBL.

Sa lalong madaling panahon, maririnig n’yo na lang na magpapa-tryout na muli ang koponan nina Raymund Yu, Terry Que at Tony at Margaret Yu.

Nagpalipas lang talaga sila ng isang conference pero ngayon ay handa na silang sumabak ulit sa labanan.

Ang problema--hindi pa nila sigurado kung sino ang magiging coach nila. Sabi-sabi, si Lim Eng Beng. O si Alfrancis Chua. Pero malabo pa rin daw ang dalawang yan.

Ang Shark Energy Drink ay hindi na masosolo ng Shark management dahil papasok na ang Regent Foods ni Ricky See at makikisosyo na sa kanila. Isang brand ng cheeseballs ang gagamitin ng Regent.

Malayo pa ang susunod na PBL conference, pero patuloy ang movements at development sa liga.

ALFRANCIS CHUA

ISANG

LIM ENG BENG

MARGARET YU

NUNG

RAYMUND YU

REGENT FOODS

RICKY SEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with