RP Blu Girls 15th placer
July 25, 2002 | 12:00am
SURREY CITY, B.C.--Una ang magandang balita: Pinahanga ni Belen Ramirez ng Mandaluyong City ang international crowd nang pumuwesto ng ikalawa para sa karera ng homerun sa katatapos pa lamang na Canada Cup Womens Softball Championships dito.
At ang masamang balita: Nabigo ang Mandaluyong na makamit ang 13th places matapos na yumukod sa Florida, 7-5 sa playoff para sa karapatang lumaro sa consolation round trophy.
Abot-kamay na ni Ramirez, ang Lady Technocrats catcher na maibulsa ang mataas na karangalan at $500 premyo nang dalhin niya ang bola na lampas sa bakod ng tatlong ulit kung saan ginapi niya ang anim na iba pang finalists, kabilang ang Taiwanese winner ng nasabi ring tournaments sa Sydney Olympic Games na siyang nanguna sa elimination round,
Subalit, winakasan ni Christobal Bustos ng United States World Team ang kampanya ng 24-anyos na Filipina nang kumana ng limang homeruns na nagbigay sa kanya ng titulo at nasabing cash rewards.
Bagamat hindi nagwagi si Ramirez ng kahit na anumang premyo at ang kanyang ipinamalas na performance sa nasabing karera ay sapat na para ipagmalaki siya ng maliit na bilang ng komunidad sa malaking siyudad ng British Columbia.
Pinahanga rin ni Ramirez ang kanyang mga kalaban at pro-Caucasian crowd sa elimination round nang tumapos siya ng ikalawa bunga ng kanyang dalawang homeruns at nakatabla si Bustos.
"Hindi bale, at least nakilala ang Filipino dito na marunong palang pumalo ng homerun," pagmamalaki ni Rey Forta-leza, five-time gold medalist sa international boxing. "Bago nga kayo dumating dito, walang nag-aakalang marunong mag-softball ang mga Filipino. Ngayon magbabago na ang pagtingin nila sa amin dito. At least rerespetuhin nila kami."
Tumapos ang Pilipinas ng 15th puwesto mula sa 24-team field. Ang koponan ng U.S. World Team ang siyang nag-uwi ng korona nang talunin ang U.S. ellite Team, 4-0.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended