Ang kabiguan ay humila sa RP quintet na tumapos ng nakadidismayang ikalimang puwesto sa eight-team nation tournament kung saan ang koponan ng Great Mates of Australia ang siyang nahirang na kampeon na tumapos ng 6-1 win-loss slate.
Sumegunda ang Canada na may 5-2 record, habang magkatabla naman ang China at Japan na may 4-3 kartada.
Bagamat talunan, nagbigay pa rin ang Filipinos ng mahigpit na laban kung saan hinawakan nila ang 32-30 kalamangan sa pagsasara ng halftime bago umarangkada ang Japanese sa huling maiinit na bahagi ng laro.
Pinangunahan ni Takahiro Kita ang Japanese sa kanyang 14 puntos na produksiyon habang nagdagdag naman sina Atsushi Ono at Takahiro Setsumasa ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod. Ilan sa mga Japanese players ang inaasahang lalaro sa nalalapit na Asian Games sa South Korea ngayong Setyembre.
Tanging si Jeffrey Flowers lamang ang siyang nag-iisang Pinoy na kumayod ng double digits sa kanyang tinapos na 20 puntos, bukod pa ang hinatak na 15 rebounds.
Ginapi ng Great Mates of Australia na sumandig sa kanilang mga beterano ay may malalim na karanasang manlalaro ang University of Alberta Golden Bears of Canada, 76-68.