^

PSN Palaro

MBA-RP Squad panglima sa Jones Cup

-
TAIPEI -- Malamyang isinara ng Team Philippines-Cebuana Lhuillier ang kanilang kampanya sa 25th Chunghwa Telecom William Jones Cup makaraang yumukod sa Japan Basketball League (JBL) Selection noong Lunes ng gabi, 63-65.

Ang kabiguan ay humila sa RP quintet na tumapos ng nakadidismayang ikalimang puwesto sa eight-team nation tournament kung saan ang koponan ng Great Mates of Australia ang siyang nahirang na kampeon na tumapos ng 6-1 win-loss slate.

Sumegunda ang Canada na may 5-2 record, habang magkatabla naman ang China at Japan na may 4-3 kartada.

Bagamat talunan, nagbigay pa rin ang Filipinos ng mahigpit na laban kung saan hinawakan nila ang 32-30 kalamangan sa pagsasara ng halftime bago umarangkada ang Japanese sa huling maiinit na bahagi ng laro.

Pinangunahan ni Takahiro Kita ang Japanese sa kanyang 14 puntos na produksiyon habang nagdagdag naman sina Atsushi Ono at Takahiro Setsumasa ng 12 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod. Ilan sa mga Japanese players ang inaasahang lalaro sa nalalapit na Asian Games sa South Korea ngayong Setyembre.

Tanging si Jeffrey Flowers lamang ang siyang nag-iisang Pinoy na kumayod ng double digits sa kanyang tinapos na 20 puntos, bukod pa ang hinatak na 15 rebounds.

Ginapi ng Great Mates of Australia na sumandig sa kanilang mga beterano ay may malalim na karanasang manlalaro ang University of Alberta Golden Bears of Canada, 76-68.

ASIAN GAMES

ATSUSHI ONO

CHUNGHWA TELECOM WILLIAM JONES CUP

GREAT MATES OF AUSTRALIA

JAPAN BASKETBALL LEAGUE

JEFFREY FLOWERS

SOUTH KOREA

TAKAHIRO KITA

TAKAHIRO SETSUMASA

TEAM PHILIPPINES-CEBUANA LHUILLIER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with