St. Benilde kontra sa PCU
July 24, 2002 | 12:00am
Manatiling nasa paningin ng humaharurot na College of St. Benilde ang pakay ng nagdedepensang kampeong San Sebastian College sa kanilang nakatakdang laro ngayon sa NCAA men's basketball tournament.
Nakatakdang banggain ngayon ng SSC Stags ang mapanganib na Philippine Christian University sa unang seniors game sa Rizal Memorial Coliseum sa dakong alas-2:00 ng hapon ngayon.
Nasa ikalawang pu-westo ang San Sebastian taglay ang 2-1 panalo-talo ngunit malayo ang kanilang agwat sa nangungunang CSB Blazers na may impresibong 4-0 kartada.
Sa ikalawang seniors game, magsasagupa naman ang Jose Rizal University at ang wala pa ring suwerteng San Beda College sa bandang alas-4:00 ng hapon.
Sa juniors division, bubuksan naman ng SSC Staglets at PCU Baby Dolphins ang aksiyon sa ganap na alas-11:30 ng umaga habang sa ikaapat at huling laro, magtatagpo naman ang JRC Light Bombers at SBC Red Cubs sa bandang alas-6:00 ng gabi.
Siguradong pagtutuunan ng pansin ng depensa ng PCU Dolphins sina Christian Coronel, Roy Falcasantos, Nurjamjam Alfad at Pep Moore ha-bang siguradong aangat naman sa opensa ng PCU si Ryan Soriano.
Wala pang naipapanalong laro ang SBC Red Lions sa kanilang unang tatlong asignatura kaya't tiyak na kanilang panggigigilan ang laban ngayon kontra sa JRC Heavy Bombers na nakaisang panalo na sa tatlong laro.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended