^

PSN Palaro

Great Britain pinayuko ng Mandaluyong

-
SURREY CITY, BC -- Nabawi ng Mandaluyong City ang kanilang winning form upang itakas ang 7-3 panalo kontra Great Britain at manatiling buhay ang kanilang pag-asa na mapasama pa sa kontensiyon ng Canada Cup Women’s Softball Championship noong Linggo sa Cloverdale field dito.

Sinupil ni Edil Avenido ang Britons sa pagbibigay lamang ng apat na hits sa buong seven-inning.

Nagpatalsik ang 33-anyos na si Avenido, accounting graduate mula sa Rizal Technological University kung saan ang halos ng kanyang teammates ay dito galing ng pito mula sa 30 British batters, habang apat lamang ang kanyang pinayagan na makatuntong sa bases sa pamamagitan ng walks.

Ang malagkit na depensa ni Avenido ang nagpu-wersa sa kalaban na gumawa ng mga krusiyal na errors na nagbigay sa Filipinas ng tatlong runs.

Dalawang ulit na kumunekta ang rightfielder na si Aileen Abello mula sa apat na pagtatangka kung saan kumana ng tatlong runs na tinapatan naman ng third basewoman na si Marites Arahan na umiskor ng two-for-two na tinampukan ng solo homerun na siyang tuluyang nagkaloob sa Filipinas ng tagumpay sa seventh-inning.

vuukle comment

AILEEN ABELLO

AVENIDO

CANADA CUP WOMEN

EDIL AVENIDO

FILIPINAS

GREAT BRITAIN

MANDALUYONG CITY

MARITES ARAHAN

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

SOFTBALL CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with