Sinabi ng ace trainer ng IBF junior featherweight champion na si Manny Pacquiao na nagsisimula na si Peñalosa ng kanyang training sa Wild Card Gym malapit sa Hollywood simula pa noong Mayo at dibdiban ang kanyang pagwo-workout at masaya rin siya sa ginagawa niyang sakripisyo.
Ito ang mga ipinahayag ni Roach habang nakikipag-usap sa isang kilalang boxing writer na si Fiona Manning tungkol kay Peñalosa at sa kanyang training para sa November 8 mandatory rematch kontra Japan-born North Korean Masamori Tokuyama sa Osaka.
"Hurt a lot but I see the results and everybody in the gym feels it. They make you feel very confident," pahayag naman ni Peñalosa hinggil sa kanyang mga exercises.
Ilang mahuhusay na sparring session ang ginagawa ni Peñalosa kontra sa Filipino flyweight Brian Viloria na siyang kumatawan sa Amerika sa 2000 Sydney Olympics at sa matikas na si Carlos Madrigal. Ayon kay Peñalosa, si Madrigal ay mahusay para sa kanya dahil siya ay malaki at malakas at maganda ang mga galaw.
Idinagdag pa ni Peñalosa na hindi siya umaasa sa parehas na desisyon sa Japan, subalit sa pagkakataong ito, hindi niya kukumbinsihin ang mga judges kundi ang lahat ng mga manonood ay hindi magdududa na karapat-dapat siyang tunay na kampeon.
Inirereklamo ni Peñalosa na ang kanyang huling laban para sa titulo kontra Tokuyama ay inilaban niya ng buong puso at nagtamo siya ng anim na tahi sa kanyang ulo at mukha at mas agresibo siyang fighter kumpara kay Tokuyama na "was the one who walked away a champion."
Ang naturang rematch ay iniutos ni WBC President Jose Sulaiman makaraang i-review ang tape ng kanilang laban matapos na maghain ng protesta ang manager ni Peñalosa na si Atty. Rudy Salud, ang founding secretary general ng world organization kontra sa mga referee na nabigong bigyan ng penalty si Tokuyama sanhi ng paulit-ulit na headbutts at low blows.