Lizardo, kampeon sa junior finweight division
July 23, 2002 | 12:00am
Nagpakatatag si US Open silver medalist at 2000 Korea Open gold winner John Paul Lizardo sa kanyang ikalawang laban upang daigin si Rolly Pentecostes at tanghaling mens junior finweight titlist sa Samsung Best of the Best National Taekwondo championships sa Glorietta Activity Center sa Makati City.
Matapos matalo 6-7 sa kanyang unang laban, mabilis na umatake ang 16 anyos na si Lizardo sa kanyang ikalawang laban upang mahatak ang 7-4 tagumpay sa deciding contest.
Bumangon naman si Gershon Bautista, teammate ni Lizardo sa Diliman Preparatory School at gold medalist sa Korea Open, mula sa losers bracket upang mangibabaw kay Albert Go ng Pangasinan, 5-2 at 3-1 sa middleweight finals, habang ang Palarong Pambansa topnotchers na si Tristan Tiozon ay ginapi si Nolene delos Reyes ng Zam-boanga, 10-5 upang maghari naman sa flyweight finals.
Bumangon din mula sa losers bracket si Cathy Jane Hampas ng Zamboanga upang silatin si Cristian Faye Dagpin, 6-5 at 5-4 upang magreyna naman sa junior womens finweight finals.
Dinomina naman ng 15 anyos at US Open gold medalist na si Esther Marie Singson ng Central gym si Jesufil Pedrosa, 11-3 upang mapag-wagian ang middleweight finals.
Ang iba pang gold medalists sa kompetisyon na ito na inorganisa ng IMG at Philippine Taekwondo Association na itinataguyod ng Samsung at suportado ng Accel at 103.5K Lite ay sina, Jerome Reyes na namayani kay Edlin Asistion 9-8 sa bantamweight; Mark Bunyi na 3-0 winner kay James Salazar sa featherweight; Carlo Manalo na nanaig kay Vincent Mijares, 4-3 sa lightweight at Brix Ramos na nanaig sa pamamagitan ng disqualification kay Kervin Ong sa heavyweight.
Sa Junior women naman, nanalo si Kathleen Eunice Alora kay Kharzma Handang 6-4 matapos matalo sa kanyang unang laban, 8-9 sa flyweight, Sarah Joy Arellano na nanalo kay Emy Flair Figueroa 10-4 sa featherweight, Gerrielyn Decatus na pinataob si Radha Catarig, 7-4 sa bantamweight, Sabrian Simbulan sa lightweight at Kathleen Valenzuela sa heavyweight.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended