PBA balik-aksiyon
July 23, 2002 | 12:00am
Tampok ang engkuwentro ng Sta. Lucia Realty at Alaska Aces sa pagbabalik ng aksiyon ngayon ng PBA Samsung Commissioners Cup matapos bigyang daan ang pagdaraos ng nakaraang World Womens Volleyball Grand Prix.
Nakataya ang ikaapat na panalo para sa solong ikatlong puwesto sa alas-7 ng gabing sagupaan ng Realtors at Aces sa nag-iisang laro ngayon sa PhilSports Arena.
Magkasalo sa 3-2 win-loss slate ang Sta. Lucia at Alaska sa likod ng nangungunang defending champion Batang Red Bull (5-1) kasunod ang Coca-Cola Tigers (5-2) at Talk N Text (4-3).
Ikatlong sunod na panalo ang puntirya ng Realtors sa larong ito habang makabawi naman sa huling pagkatalo ang asam ng Aces.
Magandang kapalaran ang dala ni Chris Clay sa Sta. Lucia dahil sapul nang palitan nito si Willie Farley ay hindi pa natatalo ang Realtors.
Sa debut game ni Clay, nanalo ang Sta. Lucia kontra sa RP-Selecta, 66-62 noong July 7 na kanilang sinundan ng 89-76 pamamayani kontra sa Barangay Ginebra noong July 12.
Natalo naman ang Aces kontra sa Shell Velocity, 76-78 noong July 13.
Ang magtatagumpay sa larong ito ay maka-kalapit sa 8-team quarterfinal round kung saan nakakasiguro na ang Thunder at Tigers matapos kubrahin ang kani-kanilang ikalimang panalo.
Makakatulong ni Clay si Stephen Howard na tatapatan naman nina Ajani Williams at Chris Carawell ng Aces.
Samantala, parehong pinalitan ng Purefoods ang kanilang dalawang import na sina Gabe Muoneke at Kelvin Price at umaasang magiging maganda ang kanilang kampanya sa tulong nina Warren Rosegreen at NBA veteran Chris Morris. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended