^

PSN Palaro

Lubaton, Campos namayani sa Milo Marathon

-
ROXAS CITY--Sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos ng Milo Marathon ang kanilang 20K regional eliminations race sa siyudad na ito sa Capiz City kahapon ng umaga kung saan mahigit sa 2,500 runners ang siyang sumali na kinabibilangan ng 3K kiddie run at 5K fun run.

Pinasimulan ni city councilor Melvin Abela kasama si Arnaldo Boulevard malapit sa City Plaza sa eksaktong alas-6 ng umaga ang karera na dinomina ng tubong Iloilo City na si Adonis Lubaton ang men’s division, habang ang homegrown-talent na si Marigen Campos naman ang siyang nag-reyna sa mga kababaihan.

Gumawa ng malaking hakbang ang 24-anyos na si Lubaton sa huling 4 na kilometro ng 20K qualifying run at kumawala sa mga nangu-ngunang sina Neri Barcelo sa huling 2.5 kilometro matapos na ang huli ay manakit ang kanyang sikmura.

Tinawid ni Lubaton, dating walkathoner mula sa University of San Agustin sa Iloilo City ang finish line sa tiyempong 1:09:39 upang pangunahan ang rehiyon sa pagkatawan sa national finals sa Manila ng 26th Milo Marathon na suportado ngayong taon ng Bayview Park Hotel, Adidas, Cebu Pacific, Ford Phils., at Department of Tourism.

Nakuntento naman sa ikalawang puwesto si Barcelo sa tiyempong 1:10:08 at tumersera ang Army man na si Roldan Alcayaga, 27-anyos mula sa Cabatuan, Iloilo nang magtala ng 1:13:15.

Dahil sa kanyang edad, napasakamay lamang ng 15-gulang na si Campos ang premyong P10,000 pero hindi ang biyahe patungong Manila. Si Campos ay naorosan sa bilis na 1:26:59.

Pumangalawa ang 18-anyos na si Elma Vega na siyang nakakuha ng slot para sa national finals matapos na magsumite ng bilis na 1:33:37.

ADONIS LUBATON

ARNALDO BOULEVARD

BAYVIEW PARK HOTEL

CAPIZ CITY

CEBU PACIFIC

CITY PLAZA

DEPARTMENT OF TOURISM

ELMA VEGA

ILOILO CITY

MILO MARATHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with