^

PSN Palaro

RP 5 yuko sa Aussies

-
TAIPEI--Tuluyan ng pinatalsik ng Great Mates of Australia ang MBA All-Stars sa kontensiyon ng walong araw na kompetisyon sa 25th Chunghwa Telecom William Jones Cup sa Taipei Physical Education College Gymnasium.

Gaya ng mga nakaraan nilang laban, pinahirapan muna ng Filipinos ang Aussies bago sila yumukod dito sa iskor na 96-91.

Desidido ang Aussies na kanain ang kanilang panalo upang makabangon mula sa natamong pagkatalo sa mga kamay ng Lokomotiv Novosbirsk of Russia, 69-77 noong Biyernes upang pagandahin ang kanilang kartada sa 5-1 win-loss slate, habang nalag-lag naman ang Filipinos sa ikalimang puwesto bunga ng kanilang 2-3 kartada.

Humakot si Chris Brown ng 27 puntos, bukod pa ang anim na rebounds at apat na assists upang pangunahan ang kampanya ng Aussies kung saan nagdagdag naman si Butch Hay ng 17 puntos upang pahirapan ang RP quintet.

Tanging ang makatapos na lamang ng maganda ang nais na isakatuparan ngayon ng tropa ni coach Francis Rodriguez kung saan habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang pang nakikipag-laban ang All-Stars kontra Lions sa alas-5 ng hapon, bago isasara ng Filipinos ang kanilang kampanya kontra sa Japan sa alas-3.

vuukle comment

BIYERNES

BUTCH HAY

CHRIS BROWN

CHUNGHWA TELECOM WILLIAM JONES CUP

DESIDIDO

FRANCIS RODRIGUEZ

GAYA

GREAT MATES OF AUSTRALIA

LOKOMOTIV NOVOSBIRSK OF RUSSIA

TAIPEI PHYSICAL EDUCATION COLLEGE GYMNASIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with