^

PSN Palaro

Falcons tiklop sa Warriors

-
Eksplosibong performamce ang pinakawalan ni Ronald Tubid sa huling minuto ng second overtime upang trangkuhan ang University of the East sa 84-79 tagumpay kontra sa Adamson sa pagpapatuloy ng 65th UAAP seniors basketball tournament kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Kumana si Tubid ng 18 puntos, siyam nito ay mula sa ikalawang extra limang minuto ng laro upang iahon ang Red Warriors sa dalawang sunod na pagkatalo matapos ang tatlong asignatura.

Mula sa 72-all pagtatabla, kumayod ng husto si Tubid upang ilarga ang 7-2 bomba at agawin ang trangko sa 79-74, patungong 1:58 ang nalalabi sa ikalawang extra period.

Pero nakalapit ang Falcons sa 77-79 mula sa tres ni Patrick Tiongco, pero agad ding sumagot si Tubid ng basket upang ilagay ang UE sa kampanteng 81-77 kalamangan, may isang minuto na lamang.

Mula dito, nagpalitan ng basket ang dalawang koponan kung saan huling nagbanta ang Falcons sa 82-79, may 31:12 na lamang sa laro kung saan tuluyan ng naipinta ng Red Warriors ang kanilang panalo. (Ulat ni Maribeth Repizo)

vuukle comment

ADAMSON

EKSPLOSIBONG

MARIBETH REPIZO

MULA

PATRICK TIONGCO

RED WARRIORS

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

RONALD TUBID

TUBID

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with