^

PSN Palaro

7 Asian Games boundbowlers pasok sa 1st center finals

-
Pitong Asian Games-bound national bowlers sa pangunguna ng four-time World Cup champion Paeng Nepomuceno ang naka-entra sa first center finals ng kasalukuyang World Cup eliminations sa iba’t ibang centers sa buong bansa.

Nagrolyo ang kaliweteng si Nepomuceno ng 12-game series na 2,341 pinfalls kamakailan sa Paeng’s Skybowl upang makakuha ng slot para sa local finals na nakatakda sa Setyembre 1, 2, 4 at 6.

Ang iba pang national bowlers na umusad makaraan ang first qualifying round ay sina C.J. Suarez, Biboy Rivera, Chester King, Irene Benitez, Liza del Rosario at Jojo Canare.

Nagtala sina Suarez, Rivera at King ng 2,334, 2,684 at 2,483 sa 12 games, ayon sa pagkakasunod, habang sina Benitez, del Rosario at Canare ay nagpatumba ng 2,026, 2,036 at 1,867 sa 10 games, ayon sa pagkakasunod.

Nakatakda ang ikalawang qualifying period sa 24 centers sa Metro Manila at probinsiya na ang center finals ay gaga-napin sa Agosto 25-30.

Ang national champions ang siyang kakatawan sa 38th World Cup international finals na nakatakda sa Oct. 20-26 sa Toss Bowling Hall sa Riga, Latvia.

Dinala nina Liza del Rosario at Benny Dytoc ang kampanya ng bansa sa nakaraang taong international finals kung saan si del Rosario ang tinanghal na first runner-up.

BENNY DYTOC

BIBOY RIVERA

CHESTER KING

IRENE BENITEZ

JOJO CANARE

METRO MANILA

PAENG NEPOMUCENO

PITONG ASIAN GAMES

SUAREZ

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with