Intensibong performance ang ipinamalas ng Tamaraws sa kabila ng pagkakaroon ng mga bagitong manlalaro upang umahon mula sa kanilang kabiguang nalasap sa opening kontra sa defending champion De La Salle, 71-85 at pagandahin ang kanilang kartada sa 1-1 katabla ang UP at Adamson.
Kumana si Rhagnee Sinco ng 12 puntos upang pamunuan ang opensa ng Morayta-based dribblers kung saan nakakuha ito ng malaking tulong mula sa mga rookies na sina Ryan Rizada, Jonathan Cutler at Arwin Santos sa huling maiinit na bahagi ng sagupaan upang itakas ang kanilang panalo.
Maagang kinuha ng Tamaraws ang trangko ng iposte ang 16-9 kalamangan papasok sa second period. Ang pundasyon na ito ng FEU ay nagawa nilang palobohin ng dalawang ulit sa 26 puntos na ang huli ay sa 60-33 may 9:08 ang nalalabi sa final canto na tinampukan ng tres ni James Razon.
Pero hindi nagpabaya ang Fighting Maroons at isang 15-3 bomba ang kanilang pinasabog upang ibaba ang kalamangan ng Tamaraws sa 15 puntos na lamang, 48-63 may 1:45 ang nalalabi sa laro.