Spring Cooking Oil sali sa Yunnan International cagefest
July 20, 2002 | 12:00am
Dadalhin ng kasalukuyang National Open at Interclub champion Spring Cooking Oil ang bandila ng bansa sa prestihiyosong Yunnan International Basketball Tournament sa Sept. 11-21 sa Yunnan, China.
Haharapin ng Spring ang tatlong Chinese teams sa pangunguna ng Liaoning Tigers, Hong Kong champion Pacific Long Distance Telephone at Australias Sydney Kings.
Babanderahan nina Seven-time PBA Best Import Bobby Parks at ng 6-foot-6 na si Kurk Salesman ang kampanya ng Spring na naging maganda ang performance sa nakaraang ABC Champions Cup noong nakaraang Abril sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ang iba pang miyembro ng koponan na pag-aari ni national shooting champion Nathaniel Tac Padilla at igigiya ni coach Tito Palma ay sina Carlo Espiritu, Joel Co, Braulio Lim, Rodel Manuel, Mar Reyes, Mike Buendia at Archer Calacar.
Ang nalalapit na biyahe ng Spring ay itataguyod ng Liwayway Marketing Corp., (Oishi), Alfa Laval Phils., at Morning Star Travel & Tours at suportado ng Basketball Association of the Philippines at ng Philippine Sports Commission.
Paborito ang Australians at Tigers sa cagefest na ito, habang ang Sydney Kings ay palalakasin ng ilang 610 players sina David Cooper at Ernest Zingamsabo at ang Chinese ay tatrangkuhan naman ng tatlong miyembro ng national team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended