Iyan ang record na dala ni Luigi Trillo sa pagbubukas ng 2002 season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Pero nang makausap siya ng ilang sportswriters bago ang laro ng Alaska Aces kontra Shell Velocity sa Cuneta Astrodome noong Sabado ay upbeat pa rin si Trillo. Katunayan, maaga siyang dumating sa Astrodome at nagtungo siya sa press room upang doon panoorin ang opening game ng UAAP sa pagitan ng University of the East Warriors at University of the Philippines Fighting Maroons.
"Nagpapasalamat ako at nagtitiwala pa rin sa akin ang management ng Adamson. Naniniwala sila sa vision ko," ani Trillo. "Hindi naman kasi puwedeng overnight na mabago ang lahat. Matagal na process iyan."
Na siyang tama.
Kasi nga, ang isang nangungulelat na team ay hindi basta-basta makakapag-build up. Una, hindi sila pupuntahan ng mga promising players dahil hindi maganda ang record nila. Hindi bat may kasabihan tayong "everybody loves a winner?"
Halimbawang high school graduate kat mamimili ka kung saan ka lalaro ng college ball, pupunta ka ba sa Adamson kung magaling ka?
Natural na hindi ka pupunta sa kampo ng mga talunan. Pupunta ka sa La Salle, sa Ateneo, sa Far Eastern University o sa Santo Tomas. Kung magaling ka, baka ikaw pa ang suyuin ng mga ito at bigyan ng magagandang offer para sa kanila ka maglaro. At kahit na tapatan pa ng Adamson ang offer na ito, malamang sa lamang na tanggihan mo ang offer ng Adamson!
Ganoon kahirap magbuo ng matinding koponan. Ang magagaling ay lalong gumagaling samantalang ang mahihina ay lalong nahihirapan.
Nasa coach na nga lang iyan kung paano niyang gagamitin ng maayos ang mga materyales na hawak niya kahit na hindi ito kasing tindi ng materyales ng iba.
Kung ang coach ay naniniwala sa kanyang materyales, ang mga players ay naniniwala sa coach at ang pamunuan ay very supportive, baka sakaling unti-untiy makaahon ang isang talunang team.
Iyon ang inaasahang mangyari ni Trillo.
Aniya, kahit paanoy lalaban naman ang kanyang koponan. Nagbalik na si Melvin Mamaclay sa kampo ng Falcons matapos na magkatampuhan noong isang taon. Lalaro na si Patrick Tiongco matapos na mag-residence ng isang taon sa kanila. Humuhusay ang mga tulad nina Mark Abadia, Steve Rolan, Ramil Tagupa at Roel Capati.
Anupat breaks na lang ang kailangan ng Falcons at lalarga na sila.
Puwes, natalo ang Adamson kontra sa University of Santo Tomas noong Linggo at sinabi ng karamihan na baka 0-14 na naman ang maging record ni Trillo.
Hindi pala!
Abay nagwagi ang Falcons kontra National University Bulldogs, 82-80 noong Huwebes at para bang nagkampeon sila. Hind inaman puwedeng sabihing mahina ang Bulldogs dahil sa nakarating sila sa Final Four noong isang taon!
Kaya naman may katwirang mangarap sina Luigi.