Ito ang ginawa ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Amateur Track and Field Association na tabunan sa kahuli-hulihang sandali ang bidding ng Japan na dalhin sa kanila ang nasabing prestihiyosong meet.
"Its done, theres no more turning back. Manila will host the Asian Championships for the third time in three decades," pahayag ni PATAFA chief Go Teng Kok.
Sa parte ni PSC chairman Eric Buhain, nag-utos siya sa isang grupo na simulan na ang pagta-trabaho para sa Asian Championships event sa tangka nitong pagsisikap na i-fix ang kanyang mahigpit na schedule ang pagtungo sa Sri Lanka sa susunod na buwan upang pormal na tanggapin ang ceremonial flag ng 2003 host ng Asian Championships.
Inaasahang aabot sa mahigit 40 bansa ang magpapadala ng kani-kanilang mahuhusay na atleta sa Asian Championships kung saan ang Sri Lanka ang siyang punong abala ngayong Agosto.
Pangungunahan nina Eduardo Buenavista at John Lozada ang kampanya ng bansa sa Asian Championships sa susunod na buwan bago muling dadalhin ang bandila ng national colors sa Asian Games sa Busan, South Korea sa October.