^

PSN Palaro

Phone Pals, Tigers mag-uunahan sa solong ikalawang puwesto

-
Nakataya ang solong ikalawang puwesto sa engkwentro ng Talk ‘N Text Phone Pals at Coca-Cola Tigers sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA-Samsung Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Ang laro ngayon na dapat ay gaganapin sa Bataan ngunit kinansela at inilipat sa Cuneta Astrodome ay magsisimula ng eksaktong alas-7:00 ng gabi.

Parehong may 4-2 win-loss slate ang Talk ‘N Text at Coke sa likod ng nangungunang defending champion na Batang Red Bull Thunder na may 5-1 kartada.

Hangad ng Phone Pals na masundan ang kanilang 109-92 pama-mayani kontra sa Purefoods TJ Hotdogs noong Linggo na bumura sa kanilang dalawang sunod na kabiguan.

Ang tambalang Jerald Honeycutt at Danny Johnson ang muling sasandalan ng Phone Pals sa kanilang pakikipagsagupa sa Tigers na siguradong gigil na makabawi sa kanilang nakaraang pagkatalo.

Ang Tigers ay lumasap ng 60-72 kabiguan kontra sa Red Bull noong Linggo din at ito ang pagtutulungang malukuban nina Ron Hale at Bryant Basemore.

Ibayong performance ang inaasahan mula kina Hale at Basemore at karagdagang suporta naman mula sa mga locals ang kailangan upang makaahon ang Tigers.

Kailangan namang mamintina o kaya’y higitan pa nina Honeycutt at Johnson ang kanilang produksiyon upang tuluyan nang makabangon ang Phone Pals.

Habang sinusulat ang balitang ito ay kasalukuyang naglalaban ang RP-Team Selecta at ang Shell Velocity sa Caruncho gym sa Pasig City. (Ulat ni CVOchoa)

ANG TIGERS

BATANG RED BULL THUNDER

BRYANT BASEMORE

COCA-COLA TIGERS

CUNETA ASTRODOME

DANNY JOHNSON

JERALD HONEYCUTT

LINGGO

N TEXT

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with