Pinangunahan ni Aldave ang opensa ng Knights nang humulagpos ito sa third canto mula sa 36-32 pangunguna ng Altas at agawin ang trangko sa 57-49 papasok ng final canto.
Sa tagpong ito, sumingasing naman ng husto si Ronjay Enrile nang kanyang isalpak ang 11 sa kanyang tinapos na 21 puntos kung saan hindi nakaporma ang Altas sa huling quarter na nalubog sa 20-puntos na pagkakabaon, 73-53 patungong 3:00 minuto ng sagupaan.
Nauna rito, dinuplika naman ng kanilang junior counterparts ang panalo ng Knights nang pabagsakin naman ang UPHR Altalletes, 154-51.