^

PSN Palaro

Altas tinuhog ng Knights

-
Nagpakitang-gilas ang rookie na si Jonathan Aldave nang humakot ito ng 23 puntos upang trangkuhan ang Letran Knights sa kanilang ikalawang panalo makaraang igupo ang University of Perpetual Help-Rizal, 76-68 kahapon sa pagpapatuloy ng 78th NCAA seniors basketball tournament sa Rizal Memorial kahapon.

Pinangunahan ni Aldave ang opensa ng Knights nang humulagpos ito sa third canto mula sa 36-32 pangunguna ng Altas at agawin ang trangko sa 57-49 papasok ng final canto.

Sa tagpong ito, sumingasing naman ng husto si Ronjay Enrile nang kanyang isalpak ang 11 sa kanyang tinapos na 21 puntos kung saan hindi nakaporma ang Altas sa huling quarter na nalubog sa 20-puntos na pagkakabaon, 73-53 patungong 3:00 minuto ng sagupaan.

Nauna rito, dinuplika naman ng kanilang junior counterparts ang panalo ng Knights nang pabagsakin naman ang UPHR Altalletes, 154-51.

vuukle comment

ALDAVE

ALTALLETES

ALTAS

JONATHAN ALDAVE

LETRAN KNIGHTS

NAGPAKITANG

NAUNA

RIZAL MEMORIAL

RONJAY ENRILE

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP-RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with