^

PSN Palaro

Pinoy cue artists nanalasa

-
Hindi nagpahuli ang Filipinos sa pagtapyas ng elite 128 man roster ng mga manlalaro kung saan tanging ang beterano lamang na si Leonardo ‘The Rattlesnake’ Andam ang hindi na napasama sa susunod na round ng World Pool Championship noong Martes na ginaganap sa Cardiff, Wales.

Yumukod si Andam sa kababayang si Rodolfo ‘Boy Samson’ Luat, 8-1 upang makarating sa 64 man knockout stage.

Ang 44-anyos na si Luat, quarterfinalists sa nakalipas na dalawang taon ay nagpamalas ng agresibong performance upang tapatan ang pressure sa kanyang mga kalaban.

Isa pang manlalaro na nakalusot sa qualifying tournament na si Ramil Gallego ang nagwagi sa kanyang huling laban kontra South Korean Young-Hwa Jeong, 5-2 upang tumapos ng ikalawa sa Group 1 sa likod ng defending champion Mika Immonen na nakabawi sa kanyang kabiguan nang walisin naman sina George Sarmas ng Greece at Brian Naithani ng Germany upang itala ang 6-1 record.

Ginawang inspirasyon naman nina Efren ‘Bata’ Reyes at Francisco ‘Django’ Bustamante, Dennis Orcullo at Lee Van Corteza ang suporta ng mga kababayang Pinoy upang lumaro ng buong husay at makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood dito.

Pinatalsik ni Orcullo ang paboritong si Evgenji Stalev ng Russia, 5-1 bago nagbalik sa kanyang lamesa makaraan ang intermission at walisin naman si Tommy Donlon ng Ireland ng walang inaksayang mga racks na naghatid sa kanya sa pangunguna sa Group 10 kasama si Stalev.

Magaang namang dinispatsa ni Corteza, Southeast Asian Games gold medalist ang kalabang si Paul Hunter ng England at Kasper Thygesen ng Denmark sa parehong iskor na 5-1 noong nakaraang Lunes upang tabunan ang kanyang kabiguang nalasap sa mga kamay ni Charlie ‘The Korean Dragon’ Williams, 5-3 noong Linggo.

Isinunod din ni Corteza na sibakin si Sin-Young Park ng South Korea, 5-4 upang manguna sa Group 13.

Ipinakita naman ni Reyes, 1999 champion, ang kanyang mahika upang dominahin ang Group 5 sa pakikipagtabla kay Stephan Cohen ng France at Ernesto Dominguez ng Mexico na tumalo sa ‘Magician’, 5-3 upang pawang tumapos ng 5-2 win-loss slate.

Ginapi naman ni Bustamante, na nagwagi kamakailan sa Motolite World 9-Ball Challenge, ang batang American-sensation na si Corey Deuel sa final nang gumamit ito ng mahusay na break sa kalabang si David Aleaide ng Spain, 5-0 bago sinibak si William boon Lay Ang ng Singapore, 5-2 at manguna sa Group 7 kung saan may isang talo lamang siya sa race-to-five, alternate break format.

Hiniya naman ni Antonio Lining si Alain Martel ng Canada, 5-1, gayundin si Richard Jones ng England, 5-1.

Hindi rin nagpahuli si Warren Kiamco nang kanyang parisan ang panalo ng mga kasamahan makaraang talunin si Geoff Dunn ng England, 5-3 at Vangelis Vettas ng Greece, 4-5.

ALAIN MARTEL

ANDAM

ANTONIO LINING

BALL CHALLENGE

BOY SAMSON

BRIAN NAITHANI

BUSTAMANTE

COREY DEUEL

CORTEZA

UPANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with