^

PSN Palaro

Italian coach kinuha para palakasin ang kampanya ng Karatekas

-
Kinuha ng Philippine Karatedo Federation ang serbisyo ng Italian coach upang palakasin ang kampanya ng bansa para sa medalya sa nalalapit na Asian Games sa Busan ngayong Setyembre. Dumating noong Linggo sa bansa ang nasabing mentor na si Gueseppe Romano na dating Italian karate mainstay.

Ngayong araw ay sisimulan na ni Romano ang training ng mga miyembro ng national karatedo kumite sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Ayon kay PKF president Eduardo Ponce, ang kanyang tropa ay lilipat ng training venue na mula sa PSC complex patungong Baguio City simula sa Agosto 1 hanggang Setyembre 22.

"Under his (Romano) guidance, we expect to improve our medal chances in the Busan Asiad," pahayag ni Ponce.

Ang magandang tinapos ng RP karatedo sa Asian Games ay noong 1994 Hiroshima, Japan Games.

Ang biyahe ni Romano sa bansa ay gastos ng Philippines Sports Commission. Pero humihingi rin ang PKF ng tulong mula sa mga private sector para sa karagdagang training expenses. Para sa sinumang interesado na tumulong tumawag lamang sa PKF sa 2/F Dorm B, PhilSports Complex, Pasig City, telefax no. (044) 6628937.

Si Romano ay isang PE master degree holder na ayon sa kanya, ang mga Filipinos ay "good and fast with their hands, but they need to improved their kicks and throwing (down) techniques."

ASIAN GAMES

BAGUIO CITY

BUSAN ASIAD

EDUARDO PONCE

F DORM B

GUESEPPE ROMANO

JAPAN GAMES

PASIG CITY

PHILIPPINE KARATEDO FEDERATION

PHILIPPINES SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with