Nailagan ni Enriquez ang mga atake ni Karym Laidan ng Ateneo upang mapagwagian ang superiority makaraan ang kanilang mahigpitang labanan kung saan ang iskor ay tabla sa 3-3.
Haharapin ni Enriquez ang dating national jin na si Angelito Ong, na nagsagawa ng pagbangon mula sa 1-3 deficit upang walisin si Michael Albert Belo ng Baguio sa isa pang kasiya-siyang laban sa isang linggong tourney na inorganisa ng img at Philippine Taekwondo Association na sponsored naman ng Samsung at suportado ng Accel at 103.5 K Lite.
Ang iba pang pinweight semifinalists ay sina Edward Buliyat ng Baguio na bumokya kay TBBs Witt Valencia, 3-0 at Terrence Boteja ng UST na nagblangka rin kay Mirzam Madid ng TUP, 3-0.
Ang iba pang nagsipag-panalo sa kani-kanilang laban ay sina John-John Abratique, 1998 Asian Games fly bronze medalist, Kuala Lumpur SEA Games at 2001 World Cup bronze winner Dax Morfe, fly Anthony Ong at bantam Arnold Valenzuela na miyembro rin ng national pool at dating RP jin Ronald Samijon.
Hiniya ni Abratique na ngayon ay isa ng bantam si Eduardo Nicutan, 3-0; tinalo ni Morfe si Michael Quisimbing ng UST, 4-0; naungusan ni Ong si Arnold Oglayan ng Ba-guio, 7-6; nangibabaw naman si Valenzuela kay Joseph Reyes ng Batangas, 3-0 at namayani si Samijon sa kalabang si Edgar Ronquillo ng Bacolod, 6-2.
Ang iba pang umusad naman sa quarterfinals ay sina Manny Bula ng Cebu, Mark Aclao ng Angeles University Foundation, Wingrad Morales ng Las Piñas, Raymar Aringo ng Laguna South, Dan Ray Belo ng Baguio at Wilfred Luis Santos ng Letran.
Tinalo nina Bula at Aclao si Jun Bumanglang at Brian Alair, ayon sa pagkakasunod sa flyweight division.
Naungusan ni Morales si Mauro Altez ng UAF, 5-3; nanalo naman si Aringo sa pamamagitan ng disqualification kontra Glodel Tampos ng Baguio, sinalanta ni Belo si Everett Lim ng OTTC, 2-0 at ginapi ni Santos si Richard Bayonito ng Angeles TC, 3-1 na pawang sa bantamweight category.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyan pang inilalaro ang eliminations sa senior womens competition at ang senior mens at womens finals ay nakatakdang ganapin bukas ng umaga.