Pinoy dalawang beses hiniya ng Guam
July 16, 2002 | 12:00am
Ipinagpatuloy ng Guam ang kanilang pangingibabaw nang dalawang ulit na payukurin ang host Philippines sa ikalawang araw ng aksiyon sa Big League ng Asia-Pacific Little League baseball championships kahapon sa Rizal Memorial ballpark.
Tinalo ng Guamanians, na unang na-sweep ang Saipan sa Junior League (13-14) at Senior League (14-16) sa opening day noong Linggo ang Tanauan, Batangas, 9-3 sa 16-18 kategorya na naglapit sa bisitang koponan na mawalis ang tat-long division sa kanilang kampanya na katawanin ang Pacific sa World Series na nakatakda sa susunod na buwan sa tatlong siyudad sa Amerika.
Ginawang tuntungan ng Guamanians, paboritong gamitin ang mga Filipinos bilang whipping boys sa nasabing sports ang panalong ito upang iselyo ang kanilang slot para sa title playoff sa 13-14 level matapos na igupo ang International League Association of Manila (ILLAM), 6-1 sa iba pang laro.
Isa pang koponan ng ILLAM ang nakatakdang sumabak sa aksiyon ngayon sa Senior League na siyang magdedetermina kung sino ang kukuha ng isa pang slot para sa finals sa 14-16 bracket.
Nakatakda ang pagti-tipan sa alas-9 ng umaga na susundan ng engkuwentro sa pagitan ng Guam at Spain sa Big League sa alas-11 ng umaga.
Inaasahan na muling mananaig ang Guam sa kanilang laban kung saan paborito rin sila na muling makopo ang korona sa nasabing division.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended