^

PSN Palaro

National bagsak sa Express

-
Kumalas ang FedEx Express sa mahigpitang labanan sa ikalawang quarter na kanilang naging tulay sa 94-87 pamamayani kontra sa RP-Selecta Team sa maulang panahon kahapon ng PBA-Samsung Governors Cup sa Cuneta Astrodome.

Sumandal ang Express kina Frantz Pierre Louis, Jermaine Walker at Wyne Arboleda upang isulong ang kanilang ikalawang sunod na panalo at ipalasap naman sa Nationals ang kanilang ikatlong pagkatalo sa limang laro sa likod ng kanilang magiting na pakikipaglaban.

Naging susi sina Walker, Pierre-Louis at Arboleda sa pag-arang-kada ng FedEx sa huling bahagi ng ikalawang quarter upang kunin ang 44-34 bentahe sa halftime mula sa 18-24 pagkakahuli sa pagtatapos ng unang canto.

Humataw si Walker sa ikatlong quarter sa paghakot ng 11sunod na puntos sa kanyang tinapos na team-high 27 puntos upang ihatid ang Express sa kanilang pinakamalaking kalamangan na 14 puntos, 62-48.

Ngunit nagkaroon ng pagkakataong makahabol ang RP-Selecta nang maagang ma-foul trouble si Pierre-Louis na nagkamit ng kanyang ikatlong foul na siyang dahilan ng kanyang halos anim na minutong pagkakababad sa bench.

Sinamantala ito nina Olsen Racela, Kenneth Duremdes at Rudy Hat-field na nakpagrolyo ng 14-2 run upang makalapit sa 62-64, 1:02 ang natitira sa ikatlong quarter.

Nakaabante pa uli ang FedEx, 75-63 mula sa basket nina Jerry Codi-ñera, three-point play ni Arboleda at free throws ni Walker ngunit pumutok naman sa tres si Racela na umiskor ng dalawang triple sa 12-4 run upang bahagyang lumapit ang Nationals sa 75-79.

Hanggang sa huling maiiinit na segundo ng labanan ay pumapalag pa rin ang RP-Selecta na naghahabol lamang ng 4 puntos ngunit nanatiling matatag ang FedEx upang mapreserba ang tagumpay.

"I’m happy with our practice that’s why event with Frantz sitting down, we manage to keep control of the game," sabi ni FedEx coach Derrick Pumaren.

Sa ikalawang laro, binigo ng Shell Velocity ang pangarap ng Alaska Aces nang bumangon ito sa ikatlong quarter tungo sa 78-76 tagumpay kontra sa Turbochargers.

Bumangko ng 27 puntos si George Bank sa kanyang debut game kung saan pansamantalang pinalitan niya si Sedric Webber.

Samantala, magpapatuloy ang aksiyon ngayon sa Ynares Center sa Antipolo City kung saan magahaharap ang Coca-Cola Tigers at Batang Red Bull Thunder para sa solong pamumuno sa alas-3:45 ng hapon na susundan naman ng laban ng Talk ‘N Text Phone Pals at Purefoods TJ Hotdogs sa dakong alas-5:45 ng hapon.(Ulat ni Carmela V. Ochoa)

vuukle comment

ALASKA ACES

ANTIPOLO CITY

ARBOLEDA

BATANG RED BULL THUNDER

CARMELA V

COCA-COLA TIGERS

CUNETA ASTRODOME

DERRICK PUMAREN

FRANTZ PIERRE LOUIS

GEORGE BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with