Ang kampanya ng Big City bets ay binanderahan ng magkapatid na Rotrice at Rochelle Lavalan na kapwa humakot ng gintong medalya sa female young jins (12 years and below) finweight at lightweight categories, ayon sa pagkakasunod, habang sinungkit naman ni Paolo Angeles ang ginto sa men young junior light welterweight class.
Nakuntento lamang si Raffy de Jesus sa silver sa men young juniors welterweight category, habang bronze lang ang nakayanan ni Gyle Geñoroso sa finweight division.
Ang iba pang miyembro ng kopo-nan na nagmula sa ibat ibang probinsiya sa bansa na nag-uwi ng ginto ay sina bantams Pauline Reyes at Rei Vincent Sambo, middleweight Elaine Alora, welter Andre Perez at light welter Precious Malit.