4 na nabubuhay pa at 3 pa iniluklok sa Hall of Fame
July 10, 2002 | 12:00am
Apat sa nabubuhay pang basketball greats at tatlo sa kanilang kasamahan na sumakabilang buhay na ang inilagay sa prestihiyosong Hall of Fame noong nakaraang Linggo sa ballroom ng Manila Peninsula Hotel.
Binalewala nina Geronimo Cruz, ipinagmamalaki ng Pampanga, Alfonso Marquez, Loreto Carbonel at Kurt Bachmann ang masamang lagay ng panahon upang dumalo lamang sa isang maikli ngunit makasaysayang seremonyas na dinaluhan rin ng crowd na binubuo ng mga leading sports officials at personalities.
Ang mga yumaong sina Eddie Lim at Mariano Tolentino ay kinatawan ng kani-kanilang mga pamilya, habang ang biyuda ni Charlie Badion ay nagsalita lamang sa ipinadalang tape na nagpapasalamat sa Hall of Fame organizers para sa karangalang ibinigay sa kanyang asawa.
Tinanggap ni Gng. Marlet Navarro ang Ramon Orlina trophy para kay Tolentino, habang si Mon Lim naman ang siyang tumanggap ng tropeo para sa kanyang amang si Eddie.
Natigil ang career ni Cruz, two-time Olympian nang ito ay 26-anyos sanhi ng kanyang injury sa tuhod at isa siya sa pitong cagers na kamakailan lamang ay iniluklok rin sa Hall of Fame.
Si dating Representative at ngayon ay Bukidnon Gov. Jose Zubiri Jr., ang siyang utak sa likod ng Hall of Fame ang nagbukas ng opening remarks, habang panauhing pandangal naman si PSC Chairman Eric Buhain.
Kabilang sa mga prominenteng panauhin sina PBA commissioner Jun Bernardino, Pagcor chairman Efraim Genuino, PSC commissioner Mike Barredo, Ambassador Barry Gusi ng Micronesia, dating POC president Julian Malonso, Vintages Bobong Velez, BAP legal counsel Boni Alentajan, Leo Prieto, Danny Lopez, Hall of Famer Ramoncito Campos at PBA great Atoy Co.
Tumayo namang chair at vice-chair ang mga respetadong businessmen-sportsmen Manolo Lopez ng Meralco at Fernando Zobel de Ayala ng Ayala Corporation, ayon sa pagkakasunod at ang Board of Trustees ang National Basketball Hall of Fame Foundation Inc.
Ang mga miyembro ay nakasama ng 15 iba pang kinatawan ng first at second batch ng Hall of Fame awardees. Itoy sina Fely Fajardo, Charles Borck, Jacinto Ciria Cruz, Primitivo Martinez, Ramoncito Campos, Ed Ocampo, Gabriel Fajardo, Narciso Bernardo, Lauro Mumar, Carlos Loyzaga, Rafael Hechanova Sr., Pocholo Martinez, Francisco Vestil, Tony Grenato at Martin Urra.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended