^

PSN Palaro

Mas malaki ang tsansa ng billiards sa Asian kung kasama si Django

-
Para sa ipinagmamalaking cue artist ng bansa na si Efren ‘Bata’ Reyes, tagilid ang katayuan ng bansa sa billiards competition ng nalalapit na Asian Games sa Busan, South Korea sa darating na September.

Bukod sa mahigpit na laban mula sa ibang bansang kalahok, wala sa line-up ang isa pang bigating cue artist na si Francisco "Django" Bus-tamante at hindi sa kanyang paboritong event maglalaro ang "The Magician."

Ayon kay Reyes na panauhin kahapon sa lingguhang PSA Sports Forum na ginanap sa Holiday Inn, maganda sana ang tsansa ng ban-sa sa singles at doubles event kung kasama si Bustamante kaya’t sinikap niyang maisama ito sa line-up.

Gayunpaman ay walang nangyari sa kanyang pakikiusap sa Billiards and Snooker Congress of the Philippines (BSCP) na isama sa line-up si Bustamante kahit pa katulong nito si Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Cynthia Carrion.

"Malaki sana ang tsansa natin kung kasama si Django sa Asian Games at kaming dalawa ang papasok sa 9-ball. Kaso nakapagdesisyon na ang BSCP at wala na akong magagawa," paha-yag ni Reyes na ngayon pa lamang mapapasabak sa Asian Games.

Sinabi din ni Reyes na naka-lineup sa 8-ball competition imbes sa kanyang pet event na 9-ball, magiging mapanganib ang host South Korea, Taipei, Japan at Thailand.

"Medyo kinakabahan din ako kasi siyempre umaasa ang mga kaba-bayan natin na makuha natin ang ginto. Hindi ko maipapangako pero makakaasa naman kayo na gagawin ko ang lahat," ani Reyes.

Bukod kay Reyes lalaban din si Lee Van Corteza sa 8-Balls singles habang sina Antonio Lining at Warren Kiamco ay sasalang sa 9-balls singles at doubles event.Samantala, pangungunahan ni Reyes ang 8-man team na tutungo ng Cardiff, Wales upang magpartisipa sa prestihiyosong World Championships kung saan bukod sa pagpapartisipa ay may personal na misyon ito sa $25,000 tournament na magsisimula sa July 13 hanggang sa July 21.

Hangad nitong mabawi ang titulo na kanyang hinawakan noong 2000 laban sa 96 partisipante na hinati sa 16 grupo kung saan 64 ang matitira mula sa first round na sasa-ilalim sa single round eliminations para sa $25,000 na top prize.

Kasama ni Reyes sa koponan sina Bustamante, Lining, Corteza, Kiamco, Leonardo Andam, Dennis Orcullo habang ang ikawalo at huling puwesto ay pinagaagawan nina Ramil Gallego, Roberto Luat at Canada-based Alex Pagulayan. "Suwertehin sana tayo sa bracketing gaya noong 1999," ani Reyes.

ALEX PAGULAYAN

ANTONIO LINING

ASIAN GAMES

BILLIARDS AND SNOOKER CONGRESS OF THE PHILIPPINES

BUKOD

BUSTAMANTE

COMMISSIONER CYNTHIA CARRION

REYES

SOUTH KOREA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with