^

PSN Palaro

SSC Stags babawian ang MIT Cardinals

-
Babawi ang San Sebastian College sa kanilang nakaraang pagkatalo sa kanilang pakikipag-harap sa Mapua Institute of Technology sa pagpapatuloy ng aksiyon sa NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Dahil sa nakaraang 73-74 pagkapahiya laban sa College of Saint Benilde, pagbubuntunan ng galit ng SSC-Stags ang MIT Cardinals sa kanilang alas-2:00 ng hapong sagupaan.

Ang Baste ay kasama sa 6-way logjam sa 1-1 record na kinabibilangan ng Jose Rizal University, University of Perpetual Help Rizal, Philippine Christian University at Colegio de San Juan de Letran sa likod ng nagsosolong lider na CSB Blazers (2-0).

Tulad ng San Sebastian, bigo rin ang Mapua sa kanilang huling laban kontra sa JRU Heavy Bombers, 75-84 noong July 5.

Tulad ng Cardinals at Stags, mag-aagawan din sa unang ikalawang panalo ang Letran Knights at Jose Rizal sa kanilang engkuwentro sa ikalawang seniors game sa dakong alas-5:30 ng hapon.

Upang maibaon sa limot ang nakaraang pagkatalo, inaasahang haha-taw sina Christian Coronel, Jam Alfad, Nicole Uy at Pep Moore para sa Baste na tatapatan naman nina Roberto Lagar, Ryan Malig at Edsel Feliciano para sa Mapua.

Sa juniors division, sisimulan ng MIT Red Robins at SSC Staglets ang aksiyon sa ganap na alas-11:30 ng umaga habang ang Letran Squires at JRU Light Bombers ay magsasagupa naman sa dakong alas-4:00 ng hapon. (Ulat ni CVOchoa)

vuukle comment

ANG BASTE

CHRISTIAN CORONEL

COLLEGE OF SAINT BENILDE

EDSEL FELICIANO

HEAVY BOMBERS

JAM ALFAD

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN KNIGHTS

LETRAN SQUIRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with