^

PSN Palaro

Red Bull sinorpresa ng Shell

-
Dinungisan ng Shell Velocity ang malinis na baraha ng Batang Red Bull makaraang sorpresahin ito sa 82-81 tagumpay, at itala ang kanilang unang panalo para makapasok sa win column ng Samsung-PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Rumatsada si Sedric Webber sa ikatlong quarter nang kumana ito ng 14 puntos sa kanyang kabuuang 40 puntos para sa Turbochargers habang ang kanyang ka-partner na si Johnny Jackson ay nag-ambag naman ng 19 puntos.

Walang nagawa ang tambalang Julius Nwosu at Antonio Lang ng Red Bull na mayroon lamang pinagsamang 29 puntos, upang balikatin ang Thunder.

Samantala, kasabay ng walang tigil na pagbuhos ng ulan, ibinuhos naman nina John Arigo at Rob Duat ang kanilang lakas sa pagsuporta sa kanilang mga imports tungo sa 82-73 panalo ng Alaska Aces kontra sa FedEx Express sa naunang laro.

Pinangunahan nina Arigo at Duat ang mga locals sa pag outscore sa kanilang imports, 48-34, upang isulong ang Aces sa ikatlong panalo sa 4 na pakikipaglaban upang makisalo sa 3-1 record sa Coca-Cola Tigers, Talk ‘N Text Phone Pals at ang bigong Red Bull Thunder

Tumapos si Arigo ng 17 puntos sa six-of-10 shooting, kabilang ang five puntos sa 14-7 produksyon upang ihatid ang Aces sa panigurong 80-70 bentahe, 53 segundo na lamang natitirang oras sa laro.

Nagtala si Duat ng 15 puntos, six rebounds at three assists bukod sa kanyang magandang depensa kay FedEx import Jarmaine Walker.

Tumapos si Walker ng 21 points at eight rebounds ngunit mayroon lamang itong seven-of-22 shooting dahil sa malagkit na depensa ni Duat.

Samantala, nakatakdang maglaro ngayon si Chris Clay bilang bagong import ng Sta. Lucia sa kanilang pakikipag-harap sa RP-Selecta sa ikalawang laro dakong alas-5:45 ng hapon sa Araneta Coliseum.

Si Clay ay papalit kay Willie Farley, na kinailangan umuwi dahil sa personal na problema.

Sa unang laro, ganap na 3:45 ng hapon, magsasagupa naman ang Talk ‘N Text Phone Pals at Barangay Ginebra, na hanggang sa ngayon ay hindi pa nalalaman kung sino ang ipapalit kina Ben Davis at Silas Mills habang sinusulat ang balitang ito.

Personal umano na pinatsugi ni San Miguel boss Henry Cojuangco si Mills, habang hindi naman kuntento ang coaching staff ng Kings kay Davis. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ALASKA ACES

ANTONIO LANG

ARANETA COLISEUM

ARIGO

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

BEN DAVIS

CARMELA V

DUAT

N TEXT PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with