PBL-MBA merger imposible...
July 6, 2002 | 12:00am
"I dont think a merger is possible but I welcome them to join us."
Ito ang maikling reaksiyon ni PBL Chairman Dioceldo Sy kasabay ng pagdidiin nito na maaari pang tumanggap ang PBL ng dalawa pang koponan bilang paglilinaw sa di matutuloy na planong PBL-MBA merger kahapon.
Ipinaliwanag ni Sy na wala umanong plano para sa merger dahil wala pang opisyales o kinatawan ng MBA ang nakikipag-usap sa PBL upang simulan na ang pag-uusap sa merger maliban lamang kay RFM president Joey Concepcion na siyang nagiging tulay para sa nasabing plano.
Inamin naman ni Concepcion, matagal ring nagsilbi bilang PBL chairman na siya ay binigyan ng full authority ni MBA chairman Santi Araneta na siyang makipag-usap sa PBL kung saan humingi rin siya ng paumanhin dahil sa pagiging overreaction ni MBA founder Ramon Tuason kay PBL commissioner Chino Trinidad na isang closeminded sa nasabing ideya.
"Basically we tried to see if a unified amateur league is possible and how the PBL and MBL coud merge. My intentions are for the development program by combining PBLs collegiate set-up and MBAs regional concept," wika ni Concepcion.
Sa parte naman ni Trinidad, sinabi nito na siya at ang MBA counterpart na si Chito Loyzaga ay may una ng pag-uusap para sa oportunidad na makapagtulungan sila sa trabaho.
"The problem is, hindi pa nakakarating sa ganoong stage yung pag-uusap namin ni Chito (Loyzaga). This is the main reason why the PBL has been silent about this issue," paliwanag ni Trinidad.
Ayon kay Concepcion, apat na MBA teams ang interesadong sumali sa PBL sa posibleng merger. Ang naturang mga koponan ay handang bumalik sa amateur status.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended