Ito ang naging desisyon ng Multi-regional Board Inc., matapos ang kanilang pulong na ginanap noong Lunes at mananatili sila sa kanilang orihinal na konsepto ng regional competition.
"The MBA will stay regional in nature. We cant afford to give up the provinces and shift our concentration on Metro Manila," ani Ramon Tuason, MBA director for marketing and business development kahapon. "We have established raport with basketball fans in the countryside and wed like to maintain that relationship."
Naging mainit ang paksa tungkol sa unification ng nasabing dalawang amateur league nitong nakalipas na buwan makaraan mag-alok ang businessman at basketball patron na si Joey Concepcion III, presidente at CEO ng RFM Corp., na magkaroon ng isang pagpupulong sa pagitan ng matataas na opisyal ng dalawang liga.
Nagbigay rin si Concepcion ng pagsisiguro na tutulong ang RFM sa pag-iisa ng liga.
Subalit sa ginanap na exploratory meeting noong nakaraang linggo matapos na mabigo ang dalawang partido na makapagbigay ng sapat na dahilan upang magkasama.
"If ever, the merger will have to wait until both leagues deemed it would be for their mutual benefit," wika ni Tuason.