Gin o Coke ?

Makabawi sa kabiguan at makisosyo sa ikalawang puwesto ang pagsisikapan ngayon ng Coca-Cola Tigers sa kanilang pakikipagsagupa sa kapatid na kumpanyang Barangay Ginebra sa nag-iisang laro ngayon sa PBA Samsung Commissioners Cup.

Magsasalpukan ang Gin Kings at Tigers sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Ang tagumpay ng Coke ay magbibigay sa kanila ng karapatang saluhan sa ikalawang puwesto ang Talk ‘N Text na may 3-1 record sa likod ng kasalukuyang leader na defending champion Batang Red Bull.

Ang Tigers at may 2-1 kartada tulad ng Alaska Aces at RP Selecta team habang ang Ginebra naman ay kasama sa 5-way tie sa 1-2 panalo talo na kinabibilangan ng Sta.Lucia, San Miguel Beer, Purefoods TJ Hotdogs at FedEx Express.

Masaklap na kapalaran ang sinapit ng Tigers kontra sa isa pa nilang kapatid na kumpanyang San Miguel Beer, 85-73 noong Sabado na kanilang unang pagkatalo matapos ang dalawang dikit na tagumpay.

Tulad ng Coke, bigo rin ang Gin Kings sa kanilang huling asignatura kontra kanila ring utol sa kumpanyang Purefoods TJ Hotdogs, 83-78 noong June 25.

Ang tambalang Ron Hale at Bryant Basemoore ang magiging pangunahing sandata ng Tigers laban sa Ginebra na posibleng palitan ang isa nilang import na si Ben Davis.

Ngunit kailangan itong magpakita ng magandang performance

ngayon upang makatulong ni Silas Mills.

Habang sinusulat ang balitang ito, nagpapaliwanag sina Marlou Aquino ng Sta. Lucia Realty at coach Yeng Guiao ng Red Bull sa PBA Commissioner’s Office ukol sa naging komosyon sa kanilang nakaraang laban noong Linggo sa Araneta Coliseum.

Nagsagutan ang dalawa pagkatapos ng panalo ng Thunders, 66-62 at nagkagirian din si Guiao at Realtors coach Norman Black sa hallway papasok ng kani-kanilang dugouts.

Show comments