Nagtala ang Filipino duo ng pinagsamang kabuuang 2,571 pinfalls sa pagtatapos ng 12-game series na ginanap sa SCAA Bowling Center at silatin ang Malaysian counterparts na sina Azidi Ameran at Beng Heng at Chinas Jiang Yong at Zhang Ye.
Sina Ameran at Heng ay kapos ng 12 pins sa Filipinos at nakuntento lamang sa silver medal (2,559), habang sina Yong at Ye ay nagbulsa ng bronze medal sa kanilang kabuuang 2,500.
Ang panalo ay ikalawang sunod na medalyang gintong naibulsa ng RP bowlers para sa bansa na ang una ay galing kay Liza del Rosario sa womens single event sa pagsisimula ng isang linggong meet na ito na nagtampok sa mga best keglers mula sa 22 bansa sa Asian.
Ang back-to-back na panalo ang naglagay sa Philippines sa pangu-nguna sa overall standing, sumunod ang Korea at United Arab Emirates na may tig-isang gold.
Umiskor si Rivera, gold medalist sa naka-[raang taong Kuala Lum-pur Southeast Asian Games ng 174, 220, 267, 214, 225 at 266 para sa commanding total na 1,366. Ang kanyang aggregate na 2,680 at 223 average ay naglagay rin sa kanya sa ranked No. 1 sa mens all events.
Kasalukuyang No. 12 sa world at Kuala Lumpur SEAG medalist, kumana rin si King ng 1,205 sa mga linya ng 216, 206, 203, 150, 247 at 183.
Ang iba pang mens pair na sina Cj Suarez at RJ Bautista ay tumapos ng ikapito sa kanilang itinumbang 2,453 na kinapos ng 47 puntos para mapasakamay ang bronze.