^

PSN Palaro

Leviste kuwalipikado sa World Equestrian Games

-
Isa na namang tagumpay ang natamo ng beteranang equestrian na si Toni Leviste nang makasungkit ito ng slot para sa World Equestrian Games, ang quadrennial event na nakatakdang idaos sa Setyembre sa Jerez, Spain.

Si Leviste na nagpakita ng aksiyon sa 2000 Sydney Olympics ay nag-qualified para sa prestihiyosong event matapos na magpamalas ng impresibong performance sa katatapos pa lamang na Lons Le Saunier Show Jumping Competition sa France.

Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ang bansa ng lahok sa nasabing World Equestrian Games na maikukunsidera na ring isang World Championship.

Kasalukuyang nasa Europe si Leviste para sa kanyang training sa ilalim ng pangangasiwa ng Belgian coach Jos Kumps sa legendary Nelson Pessoa Stables bilang bahagi ng kanyang preparasyon para sa Busan Asian Games sa Setyembre sa South Korea.

Hangad ng 28-anyos na si Leviste at nagpa-lano na ring magretiro sa kanyang equestrian career sa nakalipas na dalawang dekada na maging natatanging Filipino at Southeast Asian rider na lumahok sa naturang apat na major events: Asian Games (1994-98, 2002); World Cup Finals (1999), Olympics (2000) at World Championships (2002).

ASIAN GAMES

BUSAN ASIAN GAMES

JOS KUMPS

LEVISTE

LONS LE SAUNIER SHOW JUMPING COMPETITION

NELSON PESSOA STABLES

SETYEMBRE

SI LEVISTE

SOUTH KOREA

SOUTHEAST ASIAN

WORLD EQUESTRIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with