^

PSN Palaro

Baby Dolphins tinuka ng Red Robins

-
Sinimulan ng Mapua Red Robins ang kanilang kampanya sa pagwabi ng juniors title nang kanilang ilista ang unang panalo matapos pasadsarin ang Philippine Christian University Baby Dolphins, 74-61 kahapon sa NCAA Basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Pinangunahan nina Dennis Marinas at Nico Hubalde ang 2000 juniors champion Red Robins na tinanggalan ng korona ng Letran Squires noong nakaraang taon.

Humakot si Marinas ng 20-puntos na sinundan naman ng 15 ni Hubalde matapos nilang magkasamang inatake ang depensa ng Baby Dolphins.

Sinimulan ni Hubalde ang pag-arangkada ng Mapua nang kanyang simulan ang 10-1 run na bumasag sa 30-pagtatabla habang kumana naman ng anim na puntos si Marinas sa ikaapat na quarter upang panatilihing nasa distansiya ang Red Robins.

Sa ikalawang laro, ipinaghiganti naman ng Light Bombers ang kabiguan ng kanilang senior counterpart noong opening day nang kanilang pasadsarin ang CSB Junior Blazers, 76-69.

vuukle comment

BABY DOLPHINS

DENNIS MARINAS

HUBALDE

JUNIOR BLAZERS

LETRAN SQUIRES

LIGHT BOMBERS

MAPUA RED ROBINS

NICO HUBALDE

PHILIPPINE CHRISTIAN UNIVERSITY BABY DOLPHINS

RED ROBINS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with