Maikling panahon na lamang ito para sa mga atletang naghahanda sa kanilang pagsabak at pagpuntirya sa ginintuang ambisyon sa Asian Games.
Ang Asian Games ang pinaka-olympic ng mga bansang nasasakop ng Asya. At ginaganap ito tulad ng olympic tuwing apat na taon.
Dito kasali ang 3 higanteng bansa na China, South Korea at Japan.
Noong nakaraang Asian Game sa Bangkok, tanging ang mga taekwondo jins natin ang nakapag-produce ng medalya at ang inaasahang boxing team ay zero.
Sana naman mas maging maganda ang performance ng ating mga atleta ngayon.
Sana nga...
Pero panay ang kanilang ensayo sa kanilang bansa.
Makatulong kaya iyon?
Abangan na lang natin.
Ayaw din nilang sumali sa ilang international tournament tulad ng Jones Cup dahil nga sa hanggat maaari ayaw nilang makita ang laro ng ating team. Gayunpaman, kasali naman ito sa dalawang kumperensiya ng PBA bilang bahagi ng kanilang pagsasanay, at hindi natin masasabing walang Korean, Japanese, Arabian, Kazakh o Lebanese na nakapag-scout sa ating team.
Pero kung hindi naman sasali ang Nationals sa PBA anong preparasyon ang gagawin ng team. Kung sila-sila ang maglalaban walang challenge.
Baka damputin tayo sa kangkungan pagdating ng aktuwal na laban sa Asian Games.
Anong masasabi nyo?