^

PSN Palaro

South Korean basketball team nagtatago?

SPORTS LANG... - Dina Marie Villena -
Kulang-kulang tatlong buwan na lamang at idaraos na ang Asian Games sa Busan, South Korea.

Maikling panahon na lamang ito para sa mga atletang naghahanda sa kanilang pagsabak at pagpuntirya sa ginintuang ambisyon sa Asian Games.

Ang Asian Games ang pinaka-olympic ng mga bansang nasasakop ng Asya. At ginaganap ito tulad ng olympic tuwing apat na taon.

Dito kasali ang 3 higanteng bansa na China, South Korea at Japan.

Noong nakaraang Asian Game sa Bangkok, tanging ang mga taekwondo jins natin ang nakapag-produce ng medalya at ang inaasahang boxing team ay zero.

Sana naman mas maging maganda ang performance ng ating mga atleta ngayon.

Sana nga...
* * *
May balitang ang South Korean basketball team na lamang ang hindi nai-scout ng ating National team. Kasi nagtatago daw ito sa kabundukan ng South Korea at hindi sumasali sa mga ibang liga dahil nga takot na mai-scout sila.

Pero panay ang kanilang ensayo sa kanilang bansa.

Makatulong kaya iyon?

Abangan na lang natin.
* * *
Pero hindi ba at iyon din ang gusto ng National coaching staff natin dito sa ating Nationals?

Ayaw din nilang sumali sa ilang international tournament tulad ng Jones Cup dahil nga sa hangga’t maaari ayaw nilang makita ang laro ng ating team. Gayunpaman, kasali naman ito sa dalawang kumperensiya ng PBA bilang bahagi ng kanilang pagsasanay, at hindi natin masasabing walang Korean, Japanese, Arabian, Kazakh o Lebanese na nakapag-scout sa ating team.

Pero kung hindi naman sasali ang Nationals sa PBA anong preparasyon ang gagawin ng team. Kung sila-sila ang maglalaban walang challenge.

Baka damputin tayo sa kangkungan pagdating ng aktuwal na laban sa Asian Games.

Anong masasabi n’yo?

ABANGAN

ANG ASIAN GAMES

ASIAN GAME

ASIAN GAMES

JONES CUP

PERO

SANA

SOUTH KOREA

SOUTH KOREAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with