Ang kampanya ng bansa ay pangungunahan ng 10-anyos na si Gabriel Layugan ng Ateneo, 15-anyos, Emmanuel Emperado ng St. James College of Parañaque, ang nasabing koponan ay makakasama sa limang araw na nakatakdang Open Section na magsisimula sa Hulyo 3.
Ang nabanggit na kompetisyon ay kinukunsidera bilang worlds biggest event na gagamitan ng time control na 40 moves kada dalawang oras at karagdagang isang oras upang tapusin ang laro.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay kinabibilangan nina Dexter Dacanay, Jaroz Felipe at Emmanuel Eumir Songcuya II. Nabigo sina Aices Salvador at Angelo Macaraig na makasama sa koponan dahil sa pagkakaroon ng problema sa kani-kanilang passport. Sila ay pinalitan nina Dominique Layugan at Emmanuel Elijah Songcuya III.
Ang biyaheng ito ay bahagi ng Checkmate Program founded at taunang inoorganisa ng Metropolitan Chess Club na layuning makapagbigay ng oportunidad sa mga karapat-dapat na mag-aaral na makakuha ng exposure sa abroad sa maagang edad.
Naging maayos ang nasabing biyahe dahil na rin sa tulong ng Herman Group of Companies, PAGCOR, Pilipinas Shell at Philippine Sports Commission.