Pangasinan taob sa Olongapo
July 1, 2002 | 12:00am
LIPA CITY--Ibinaon ng Olongapo sa second half ang Osaka Pangasinan upang itakas ang 98-86 panalo at pansamantalang masolo ang liderato sa North division ng MBA First Conference sa Lipa Youth and Cultural Center dito.
Inilatag ng Volunteers ang pinakamalaking 60-39 kalamangan sa halftime upang irehistro ang kanilang ikaapat na panalo sa anim na laro upang trangkuhan ang liderato kung saan maaaring makatabla nila ang Batangas Blades na kasalukuyang nakikipaglaban sa Pampanga Stars habang sinusulat ang balitang ito.
Samantala, pansamantalang magpapahinga ang liga bilang pagbibigay daan sa All-Star na magtatam-pok sa mga best players sa North at South conference sa Hulyo 6 sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando City, Pampanga.
Mula Hulyo 13-24, kakatawanin ng MBA selection na gigiyahan ni coach Francis Rodriguez ang bansa sa Jones Cup tournament sa Taiwan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended