PBL-MBA magsasanib

Ang pagsasanib sa pagitan ng professional Metropolitan Basketball Association (MBA) at ng Philippine Basketball League (PBL) ay magsisilbing pagsilang para sa super amateur league.

At sa nakaraan nilang pulong na kinabibilangan nina Jose ‘Joey’ Concepcion III, Elmer Yanga ng RFM kasama sina Santi Araneta at Mon Tuason ng MBA, ang nasabing plano ay itutulak nang hilingan ni Araneta si Concepcion na maging tulay upang maayos ang anumang gusot sa Philippine Basketball League (PBL).

"The RFM will definitely join the unified amateur league in the event the merger will materialize," ani Concepcion.

"We have already some preliminary discussion with the parties concerned regarding this merger but it it is only now that a serious interest has been shown. This is definitely a very welcome development towards the realization of our dream of having a unified amateur league," dagdag pa ni Concepcion.

Isang pulong ang muling itinakda sa kaagahan ng susunod na linggo nina Concepcion, Yanga kasama sina PBL chairmnan Cecilio Pedro at PBL commissioner Chino Trinidad. Nagkaroon na sina MBA commissioner Chito Loyzaga at Trinidad ng ilang preliminary na pag-uusap hinggil sa bagay na ito.

Sinabi pa ni Concepcion na ang regional games ng MBA at Metro Manila games ng PBL sa university competition ay magiging isang magandang kumbinasyon.

Sinabi pa ni Concepcion na ang pagsasanib ay posibleng makapagbaba ng gastusin sa operasyon ng liga.

Show comments