NCAA hahataw ngayon
June 29, 2002 | 12:00am
Bubuksan ngayon ng defending champion San Sebastian College ang kanilang kampanyang ipagtanggol ang titulo sa pagsambulat ng 78th NCAA mens basketball tournament sa Araneta Coliseum.
Unang asignatura ng SSC Stags ang UPHR Altas sa tampok na laro sa dakong alas-8 ng gabi sa apat na sultadang nakatakda ngayon pagkatapos ng opening ceremonies na magsisimula sa ganap na ala-una ng hapon.
Pagkatapos ng magarbong opening ceremonies na inihanda ng host San Beda, isusunod agad ang sagupaang Mapua Institute of Technology at Philippine Christian University sa bandang alas-2 ng hapon.
Sa ikalawang laro, magtatagpo naman ng landas ang Colegio de San Juan de Letran at SBC Red Lions sa alas-4, habang haharapin ng College of St. Benilde ang Jose Rizal University sa alas-6 ng gabi.
Ang Stags na naging matagumpay sa Fr. Martins Cup at Ambrosio Padilla Cup ay pangungunahan ng mga beteranong sina Nurjamjam Alfad, Christian Coronel at sophomore Fil-Am Pep Moore sa ilalim ng pangangasiwa ni coach Turo Valenzona. (Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended