Pinoy archer pumana ng ginto
June 28, 2002 | 12:00am
CHONGZHOU-- May ipagyayabang ang Filipino recurve at compound archers nang pumana sila ng limang medalya kabilang na ang isang ginto sa katatapos na Asian Grand Prix dito.
Pinakamaningning na archers si Raul Ramon Arambulo na pumana ng gold sa compound mens FITA at mens compound individual silver at bronze para sa team sa Olympic Round.
Umukit ng kabuuang 1,303 puntos si Arambulo upang matalbugan si Rening Guan ng China ng isang puntos sa FITA round para sa naipon na 103 puntos sa individual event. Kasunod nito, pinangunahan niya ang team na kinabibilangan nina Gen. Jose Malowe Pedregosa at Adam Jimenez para sa bronze medal.
Inukit naman nina Christian Cubilla, Arnold Rojas at Florante Matan ang silver sa mens recurve team Olympic Round.
Sa kababaihan, nakopo ng womens recurve team nina Rachelle Ann Cabral, Jennifer Chan, Joann Tabanag at Purita Joy Marino ang bronze sa team Olympic Round.
Nakapasa naman sina Cubilla, Rojas at Tabanag sa criteria na itinakda ng POC-PSC Task Force para sa Asian Games.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended