Salazar naka-silver lang
June 27, 2002 | 12:00am
SEREMBAN, Malaysia -- Nakuntento lamang si light flyweight Lhyven Salazar sa silver matapos na talunin ng South Korean sa pagsasara ng 21st World Amateur Boxing Championship dito noong Martes.
Hindi man tinugtog ang Pambansang Awit ng Pilipinas, dalawang beses namang itinaas ang national flag sa award rites makaraang ang eight-man Team Philippines ay sumungkit ng dalawang medalya--silver at bronze sa mahigpitang tournament na ito na nilahukan ng 29 bansa.
Tumapos lamang ng bronze medal si bantamweight Ferdie Gamo nang madaya sa kanyang quarterfinal match kontra Uzbek fighter na siya ring nag-uwi ng medalyang ginto sa kanilang division.
Ipinamalas ni Salazar, gold medalist sa Acropolis at Bosnia ang pormang nagputong sa kanya ng korona nang bigyan niya ng suntok sa ulo ang kalabang si Hong Moo Won, pero sinikap ng Korean na maging matatag sa kabila ng tinatanggap na matitinding suntok mula kay Salazar hanggang sa nagawa nitong makipagsabayan sa pagsapit ng fourth round.
Ngunit sa kinalabasan ng resulta ng kanilang laban, talo si Salazar, anak ng sidewalk vendor mula sa Bacolod sa iskor na 11-17.
Bagamat ang nasabing laban ay dikitan, sinabi ni RP coach George Caliwan na "objectively" si Salazar ang sanay nakakuha ng gold para sa koponan na suportado ng Philippine Sports Commission.
Nagbulsa ang powerhouse Uzbekistan ng apat na ginto na siyang nanguna sa tournament. Ang iba pang gold winners ay ang Pakistan 2, Thailand 2. Tig-isang ginto ang host Malaysia at South Korea.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended