3rd win at solo liderato asam ng Phone Pals
June 27, 2002 | 12:00am
Ikatlong sunod na panalo na maghahatid sa kanila sa pansamanta-lang liderato ang nais puntiryahin ng Talk N Text sa kanilang nakatakdang engkuwentro ng Sta. Lucia Realty sa PBA Commissioners Cup sa Cuneta Astrodome.
Ngunit tila hindi magiging madali para sa koponan ni coach Bill Bayno ang kanilang misyon, dahil siguradong haharangan sila ng Realtors na aasinta rin ng kanilang ikalawang dikit na panalo sa alas-7 ng gabing labanan upang makisosyo rin sa liderato.
Aasahan ni coach Norman Black para masundan ang kanilang 1-0 panimula ang shooter sa National Basketball League na si import Willie Farley para gumiya sa koponan katulong ang isa pang reinforcement na si Stephen Howard at si Marlou Aquino.
"Hes really a big time scorer in the NBL," wika ni Black kay Farley na nagpasiklab sa kanyang debut game matapos na humakot ng 31 puntos, 4 rebounds, 5 assists at 2 steals nang iposte ng Realtors ang kanilang 90-75 panalo kontra Purefoods Tender Juicy Hotdogs. "But the good thing is he fit well in our team," dagdag pa ni Black.
Galing naman ang Phone Pals sa impresibong 96-90 tagumpay kontra FedEx Express noong Linggo at inaasahan na ang panalong ito magbibigay sa bataan ni Bayno ng mataas na morale upang alisin ang tinik sa kanilang landas.
Siguradong itatapat ni Bayno sa game plan ng Realtors sina imports Jerald Honeycutt, Danny Johnson, Mark Telan, Elmer Lago, Gherome Ejercito at iba pa na tiyak namang kakayod ng husto sa opensa.
Sa kasalukuyang standings, kasosyo ng Phone Pals sa 2-0 kartada ang Tigers at Thunders, habang nasa ikalawang puwesto naman ang Realtors na may 1-0 slate. (Ulat ni Maribeth Repizo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended