At ang masuwerteng lalaki ay si light flyweight Lhyven Salazar, anak ng sweet-punching sidewalk vendors mula sa Bacolod nang talunin niya si Kyaw Swar ng Myanmar upang isaayos ang kanilang gold medal duel ni Hong Moo Won ng South Korea.
Dominado ng 23-anyos na si Salazar ang mas maliit na kalaban sa iskor na 35-14.
Ang impresibong performance ni Salazar ang siyang tumakip sa kabiguang nalasap ni bantamweight Ferdie Gamo na maliwanag na pinaboran ang kalabang si Khidirov Bekzod ng Uzbekistan na kanyang binigyan ng apat na solidong suntok.
Subalit laking dismaya ng RP delegation at maging ng mga Malaysians sa Paroi Stadium nang itaas ng Indon referee ang mga kamay ng Uzbek bilang siyang nanalo sa labang iyon.
Ang iskor ay 20-15 pabor sa Uzbek fighter.
Dahil sa kabiguang nalasap ni Gamo, umiiyak itong tinungo ang kanilang dugout. Bago siya pinuntahan ng Uzbek upang humingi ng paumanhin para sa naging desisyon ng kanilang laban.
Inaasahang makakamit ni Salazar, gold medalist sa Acropolis at Bosnia ang ginto sa kanyang pakikipagharap kay Won sa finals ngayon ng nasabing tournament na nilahukan ng 29 bansa.
Ang bronze medal ni Gamo at ang posibleng ginto ni Salazar o siguradong silver ang wawasak sa performance ng RP team noong 1998 Bangkok Asiad kung saan ang National boxers ay nanalo lamang ng bronze medal.