Ikatlong korona isinukbit ni Tan Ho
June 25, 2002 | 12:00am
Nakopo ni Joshua Tan Ho ng Xavier School ang kanyang ikatlong korona kahapon matapos na hatakin ang 7-5, 6-2 upset na panalo kontra sa top seed Gerard Michael Ngo sa boys 12-under finals ng Copa de Manila Age Group tennis championships sa Rizal Memorial Tennis Center.
Pinabagsak naman ng third seed Ralph Barte ng Rizal Memorial College-Davao ang top seed Raymond Villarete ng La Salle Greenhills, 6-4, 1-6, 6-4 para sa korona ng 14-under class, habang sinungkit ng third seed rin na si Irwin de Guzman ng La Salle Greenhills ang titulo sa 16-under category matapos na iposte ang 7-5, 6-0 panalo laban sa seventh seed Miguel Narvaez.
Tinalo ng Palarong Pambansa secondary gold medalist Patrick John Tierro ng Olongapo City si Irwin de Guzman, 7-6 (6), 6-3 upang ibulsa ang korona sa 18-under division.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended