^

PSN Palaro

Ateneo, kampeon sa PBL Chairman's Cup

-
Sinikap ng Ateneo-Hapee Negros Navigation na labanan ang pressure na nakaatang sa kanilang balikat upang payukurin ang Blu Sun Power, 60-56 kahapon at ibulsa ang korona ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Napanatili ng Blue Eagles ang kanilang composure sa huling 1:14 segundo ng labanan sa pamamagitan ng paglatag ng malalintang depensa upang balikatin ang pressure na ibinigay ng Detergent Kings.

Pinangunahan ni Enrico Villanueva, nahirang na MVP ng serye ang kampanya ng Ateneo sa pagtapyas ng 24 puntos, bukod pa ang hinatak na 10 rebounds, apat na assists at dalawang blocks kung saan nakakuha siya ng malaking tulong kay Jec Chia na gumanap ng mahalagang papel sa koponan sa final na maiinit na bahagi ng laro upang itiklop ang serye sa 3-1.

Pumukol si Chia ng triples at split shot mula sa foul ni Tristan Codamon upang trangkuhan ng Blue Eagles ang momentun sa 51-48, bago nakipagtulungan kina Larry Fonacier at Villanueva sa pagposte ng 58-54 kalamangan, may 1:29 na lamang ang nalalabi sa laro.

Nagbanta ang Blu sa jumper ni Aries Dimaunahan nang makalapit sa 58-56. 1:14 ang nasa oras. Nagkaroon pa sana ang Blu ng tsansa na maitabla ang iskor, matapos na matawagan ang Ateneo ng eight-second violation.

Subalit, pumaltos ang binitiwang basket ni Marlon Legaspi may 14.7 segundo na lamang sa laro.

Isiniguro ng Blue Eagles ang kanilang panalo matapos ang dalawang freethrows ni Celino Cruz para sa 60-56 bentahe, 13.3 segundo na lamang ang nalalabi sa laro.

vuukle comment

ARIES DIMAUNAHAN

ATENEO

ATENEO-HAPEE NEGROS NAVIGATION

BLU

BLU SUN POWER

BLUE EAGLES

CELINO CRUZ

DETERGENT KINGS

ENRICO VILLANUEVA

JEC CHIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with