VJ Santos, MBA Hardcourt Hero of the Week
June 25, 2002 | 12:00am
Dahil sa husay na ipinapakita ng rookie na si Vincent John VJ San-tos, umangat ng husto ang Pampanga Stars.
Itoy makaraang tabunan ng Stars ang kanilang win total sa MBA First Conference at ngayon ay nanalasa sila ng todo para sa kampanyang makarating sa National Championship ngayong darating na Disyembre.
At ang lahat ng ito ay bunga na rin sa pagsisikap ng 58 rookie guard ng University of the Assumption Blue Pelicans.
Naging maganda ang performance ni VJ nitong nakaraang linggo nang kanyang pamunuan ang Stars sa dalawang sunod na panalo sa Bren Z. Guiao Convention Center, ang tahanan ng Stars.
Kumana siya ng 33 puntos nang kanilang igupo ang Gilbeys Olongapo Volunteers, 105-91 noong Hunyo 17 kung saan naging matikas si Santos nang makawala sa kanyang mga bantay upang kumana ng 9-of-10 mula sa floor at 4-of-5 mula naman sa three-point ranges.
At sa kanilang laban naman kontra Batangas Blades, nagpasiklab si Santos sa pagpuntos ng 15 puntos kung saan ang kanyang tres ang siyang naghatid sa Stars sa 85-82 kalamangan tungo sa kanilang 90-86 panalo noong Hunyo 22.
Ang performance na ito ni Santos ang naghatid sa kanya para mahirang na MBA Press Corps Hardcourt Hero of the Week mula Hunyo 15-23.
Samantala, kinansela ang nakatakdang sagupaan ngayon sa Dagupan City sa pagitan ng Waves at Stars dahil sa pagkakasira ng Peoples Astrodome.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended